Tuesday, February 6, 2007

Oops! Tagalog muna: MANININDIGAN PARA SA KABATAAN

Hindi madali para sa isang kabataan ang malagay sa isang mabigat na problema. May mga kabataang hindi malaman kung saan patungo ang buhay. May mga kabataang nalilihis sa masamang daan. Pero may mga kabataang patuloy paring nangangarap at nagsusumikap upang makamit ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Sa panahon natin ngayon hindi na masyadong nabibigyan ng pansin ang mga kabataan dahil mas bininigyan ng pansin ang mga problema na dulot ng mga masasamang pulitiko. Minsan tinatanong ko sa sarili ko na tama bang sabihin ni Jose Rizal na ang mga kabaatan ang pag-asa ng bayan? Isang katanungan sa isip ko na alam ko na balang araw ay mabibigyan ko nga sagot.

Ako’y isa sa mga
kabataang nagnanais na sana maging maayos ang ekonomiya ng ating bansa, sana maisip ng mga pulitiko na dapat na silang kumilos upang isulong ang buhay ng mga mahihirap lalong-lalo na ang mga kabataan, sana matutong magtulungan ang bawat isa, sana magkaisa ang lahat at magmithi ng isang magandang bukas para sa mga kabataan. Alam kong hindi madaling makamit ang mga bagay na aking ninanais pero hindi ako nawawalan ng pag-asa na balang araw ay magiging maayos ang buhay ng bawat kabataan.

Siguro’y iyong iniisip ngayon na ako’y puro salita lamang at pawang pagrerebelde lang ang aking sinasabi. Ito lang ang masasabi ko “Alam ko ang sinasabi ko at naninindigan akong balang araw ako’y tutulong upang maitaguyod ang magandang kinabukasan ng mga kabataan.”

No comments: